Pagtatanto

Nag-iisip habang nagmamasid

Habang nakatingin sa himpapawid

Mga ibong sumasaliw sa pawid

Sa ligaya ng hanging batid

 

Nagtatanto ako

Tabi ng bulaklak na kay bango

Sa gilid ng batis ng buhay na nakatago

Kung saan nandun ang kagalingan ng isang tao

 

Natanto ko sa tamang panahon

Sa buhay natin ay sadyang aahon

Sa talulot ng agos sa bawat alon

Sa galak tayo ay magsisipagtalon

 

Napagtanto ko na

Ang kasiyahan ay nakamtan na

Pagkat pinagkalooban ng biyaya

Sa buhay na sadyang kay saya!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






INSTAGRAM WITH ME