Ibon sa Unos

Ang ibong lumilipad sa gitna ng unos,

maihahalintulad sa buhay na naghihikahos.

Bagamat may layang mabuhay ng lubos,

barikadang bakal ng tadhana’y kalunos-lunos.

 

Ikaw ay magpursigi at magpunyagi

upang sa laban ng buhay ikaw ay magwagi.

Sa tulong ng Maykapal ikaw ay makandili.

Kawalang pag-asa ay tuluyang iwaksi.

 

Darating ang panahon ikaw ay babangon

mula sa burak ng kahirapan at hampas ng alon.

Buhay na tuyo, magiging luntiang dahon.

Lilipad ng matayog pagdating ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






INSTAGRAM WITH ME