Pagmumuni-muni

Sa gitna ng duyan ng puso kong sawi

Kaliluha’y siyang yaman ng pighati

Kadaupang palad ay kanlungan ng pasubali

Limot na paglisan sa lugmok na sandali

 

Kapagka ang luha ng kahapo’y hinabi

Sa ngiti ng pangarap gitna ng pagwawagi

Kaligayahan ng hinaharap dapat na isulsi

Banig ng kinabukasan singkulay ng bahaghari

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Comment *






INSTAGRAM WITH ME